Tulog na ang lahat at nagsisimula pa lang ang araw ko. Sabik na sabik na para bang nakulong sa seminary sa loob ng mahabang taon.
Ngayon lang ako napadpad sa bar. Kaya heto ako namamangha sa aking mga nakikita.
Wala pang sampung minuto ay nasa loob na ako ng isang maliit na bar, tagaktak ang pawis at yumuyugyog sa lakas ng tugtog. “Feed my fetish please, satisfy me babe…”
Sa dami ng tao napansin kong nakatitig ka sa akin. Unti-unti akong papalapit sayo na para bang may magnet na humihila sakin hanggat magkalapit na ang ating mga mukha.
Nilanghap ko ang ‘yong amoy at naramdaman ko ang init ng iyong hininga. At bigla mo nalang ako niyakap at hinalikan sa gitna ng rumaragasang alon ng mga tao.
Nag-iinit ako kahit full-blast na ang aircon pero hindi yon nakahadlang sa paglap-lap ko sayo. Hindi ako makapag-pigil kaya hinila kita papunta sa kubeta. At doon ikaw ay aking hinubaran para sambahin.
Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman kong kasiyahan habang hinahalikan mo ang aking katawan. Ang iyong mga kamay ay ayaw magpapigil at kung saan-saan na ito napupunta. Sinubukan kong pumikit ngunit hindi ko maiwasang hindi tumingin sa mga nanlilisik mong mga mata na para bang isang tigreng sabik sa laman. Tinakpan ko ang aking bibig pero pilit pa ring nakakatakas ang mga ungol at paghabol sa aking hininga.
Nakukuryente ako sa tuwing dinidilaan mo ang aking likuruan, sinisipsip ang aking laman na parang matamis na sorbetes malapit ng matunaw. Hindi mapantayan ang sarap na ipinadama mo sa akin ng gabing iyon. Eto ako ngayon, lagpak sa kama.
Nasilaw ako sa sinag ng araw. Medyo may hang-over pa ako sa mga nangyari kagabi. Gumulong ako sa kama at nakita ang isang pamilyar na mukha sa aking tabi. Ngumiti ka sakin at binati ako ng halik sa labi.
Hinalikan mo ako, pati ang leeg ko ay ginalugod mo ng dila pababa sa aking pusod habang nakatingin lang ka sakin. Bakas pa rin ang mukha ng tigreng sabik.
Napapikit ka at humikab. Umupo ka sa kama. May katahimikan.
“Uuwi na ako, hinahanap na ako ng aking asawa,” ang sabi ko sa lalake.
Friday, March 14, 2008
Fetish
Posted by nqa2nite at 5:08 PM
Labels: filipino, flash fiction, poetry, school related
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 Comments:
Post a Comment