Sunday, June 29, 2008

Short Shorts

Kuko


Ang halik mo ang siyang lumalaplos sa aking pagkatao ngunit walang araw ang lumipas na hindi ko hinahanap ang dampi ng iyong mapupulang labi sa aking katawan. Hindi mapantayan ang kakaibang ligaya na nadarama sa tuwing naglalakbay ang iyong dila sa aking kaibuturan. Ako’y napapakapit na lamang sa takot na bigla nalang mahulog sa aking kinahihigaan. Ang bakas ng aking mga kuko sa iyong likuran ang tanging manipestasyon ng aking pagmamahal na pawang nalunod sa mga ungol na umaagos sa aking bibig, paraan ko ng pagsabi ng mahal kita.


Ang Pangako


Napatitig ako sa iyong mga mata sa huling pagkakataon.

Papalayain na kita sa sakit na iyong nadarama.

Ako’y lalayo at iiwan ka nang mag-isa upang maibsan ang iyong mga problema.

Ang aking paglisan ang siyang papawi sa luha sa iyong mga mata.

Pinikit ko ang aking mga mata upang hindi masilayan ang iyong hinagpis at tinunton ko ang daan palabas.


Makalipas ang ilang taon ay nanumbalik ang ngiti sa iyong mga labi, may kinang uli ang iyong mga mata.

Masaya ako habang pinagmamasdan kita sa di-kalayuan.

Tandang-tanda ko pa ang ating sumpaan.

“Til death do us apart…”

0 Comments: